Pages

Wednesday, July 30, 2003


Paglilinis @ Pag-iimis...

Sa kadahilanang ako ay nagbakasyon kahapon dahil sa masamang karamdaman, pumasok ako sa aking tanggapan na mabigat ang kalooban. At bakit naman hindi? Mapaliban ka lang ng isang araw na sadya man o hindi, pagbalik mo ay haharapin mo ang isang damungkal na mga papeles na trabaho ang hatid. Hindi ko na naman makita ang kalahati ng aking "monitor screen" dahil sa taas ng mga nakatambak na papel at dokumento. *hmm* Ano kaya hagisan ko ng may sinding posporo ang mesa ko? Magandang isipin ito, hindi ba?

Gayunpaman, nasimulan ko nang mahinahon ang aking tungkulin para sa araw na ito. Sa totoo lang ang sarap ng pakiramdam kapag may natatapos akong gawain. Hindi rin ako masyado natensyon sa tambakakis na tungkulin. Sa toto lang puro "Investment and Trade Stats" and inatupag kong gawin ngayon. Sana matapos.

Ay, bwitet na yan!!! Bakit hindi ko na naman ma-access ang kakalokang "government website" na ito? Akin na itong ipinaalam sa MIS ngunit wala naman daw problema sa kanila. Imposible naman na nasa amin ang problema kasi kahit anong "website," akin namang nabubuksan. Anak naman ng tokwa o!

Hay, ang dami ko ng "backlog" na balita para sa aking isusumiteng ulat sa darating na Biernes. Halos wala pa kong nababasa. Nakakalat pa rin sa kung saan "file tray and drawers" ang mga papel tungkol dito. Sana naman mailagay ko na sa ayos ang lahat bago magbakasyon ulit.

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!