Pages

Thursday, March 11, 2004


Ranting...

Sobrang naiirita na ko sa hinayupak na lalaking ito ah. Di mo maintindihan kung anong gusto. Gusto niya nagbibigay ka ng suggestions. Ginawa mo, mamaya iba naman ang gusto niya mangyari. Pag nag-initiate ka naman, anak ng tokwa, iyong gusto niya rin ang masusunod.

Kainis talaga kanina. Gusto ko na tuloy magmura. Paano ba naman. May itinatanong ako sa kanya kasi hindi nagko-complement iyong press release niya dun sa actual turn-out nung trabaho namin. Eh, obvious naman kung ano ibig ko sabihin kasi inexplain ko na nga beforehand. Akalain mo bang ako ang tanungin kung ano ang dapat. Pinalabas pa niya na di ako nag-iisip. Anak ng....! Kaya nga ko nag-e-explain kasi di niya maintindihan. Lumabas pa ako ang di nakaintindi. Ang hilig pa niya i-cut ka pag nagsasalita. Leche! Nanginginig na talaga ko sa inis kanina pa.

Nabubuwisit pa ko lalo kasi gusto niya pag hiningi niya, nandiyan na dapat. Demanding ang mokong! Hello! Makukuha ko ba iyong documents niya sa government ng ganon kabilis? Sabi nila, I can get it within the week kasi busy din daw sila.

Sabihan ba naman ako na pag tinanong niya ang status, huwag ko daw siya bibigyan ng excuses. Eh, baliw ka pala eh. Paano kita sasagutin sa developments kung maya-maya tinatanong mo kung kumusta na yung documents na kailangan mo? Anong sasabihin ko sa iyo? Ayaw mo ng excuses eh. Anong magagawa ko kung kahit araw-araw ko sila tawagan eh hindi nila agad maibigay! Ano yun? Puntahan ko sila sa Cebu at sakalin ko mga leeg nila? Ikaw kaya gumawa non???!


------------------------------------

Hay, bakit uncooperative ang mga contacts ko ngayon. Ayan, tumutugtog na sa ulo ko ang kantang
Torete. Sama pa kaya ako sa despedida party ni opismeyt mamaya? Malamang hindi na naman.


------------------------------------

This morning, I got the results of my physical-medical exam. Unlike the previous results, this one gave me a little shiver. I was tested positive for a mass in my anterior side of my neck and my urinalysis is saying something else. My fears that were long before harboring in the deepest recesses of my mind came shooting forward. It might be a minor thing but for me - being sick or having something wrong in my body drive me nuts. Even the thought of being sick with something rattles my nerves.

Now, I have to pay a visit to the clinic just to follow-up what is going to happen next. Oh may golay...huhuhu!


-----------------------------------

Gusto ko nang sumigaw... AAAAAAAAAAARRRRRRRRRRRGGGGGGGGGHHHHHHHH!!!

Sobrang daming work di ko na alam kung ano uunahin. Lahat urgent. May lakad pa ko.

Kainis!