Pages

Saturday, March 20, 2004


Rottweiler...

Nadagdagan na naman ang collection ko ng stuff toys. Kanino pa ba manggagaling eh di sa boyfriend ko. Actually, most of my collections now came from him. Yung iba na nasa possession ko long before were either given to someone or donated to outreach. Iyong mga iyon eh binili ko. Hindi ko pinamimigay ang binigay sa akin as gift or whatever. Bigay yun eh. Kahit ako sasama ang loob kapag nalaman ko na iyung binigay ko eh pinamigay lang. Ouch yun ha.

Ewan ko ba jan sa boyfriend ko.

Nag-away. Inaway ko nung isang araw. Actually, hindi naman talaga. Ilang araw kasi kami hindi nagkita. Ewan ko ba pero iyon lang napapansin ko. Feeling ko nga, expression ko yon kapag nami-miss ko siya. May pattern kasi. Ang baliw ko no?!

Basta nagtampo ako nun. Tapos kahit anong gawin niyang suyo, wala pa din epek. Ako naman, bangenge. Naiintindihan ng utak ko pero di naman kaya ng nararamdaman ko. Hay. Ganito yata kapag inlababo. Nagiging mahina ang pang-intindi. Ganon nga ba yun? Kasi sabi nila, dapat understanding ka daw. Eh bakit iba sa akin? Anak ng tokwa naman o. Kakaiba na naman ako sa karamihan. Hay buhay.

Yun na nga. Binigyan niya ko ng doggie na stuff toy from
Gift Gate. Black yung color niya. Ka-cute sobra. Hihihi!

Lahat ng stuff toy na natanggap ko from him eh pinapangalanan ko. Yung binigay niya, bininyagan ko as
Rottweiler Dex. Kamukha niya kasi. Hehehe.

Isa pang nakakatuwa kahapon eh nag-volunteer siyang bilhin iyong bag na 2 araw ko nang binabalikan sa
Primaries shop sa Glorietta. Nakita ko ito nung Wednesday pero hindi ko agad binili kasi nga, may tendency ako na bumili ng mga bags na tinatambak lang sa kama. In short, collection. Target ko talaga is makabili ng bago para magamit ko araw-araw sa pagpasok sa work. Sabi ko sa sarili ko, tingin muna ko sa iba. Wala naman akong nakitang iba na napupusuan ko. So Thursday, I decided na bilhin yon nakita ko sa Primaries. Dahil sa overtime ko sa work that night, hindi ko na inabutan na bukas ang shop. Bad trip talaga. Excited pa naman ako. Weird ko pero talaga pag naisip ko na gagamitin ko na agad yung bag tapos di pala, bad trip talaga yon.

Kahapon, may pre-climb meeting ang mga sasama sa tree-planting sa Bulacan sa
Forest Grill sa Jupiter Street ng 7pm. Sabi ko sa boyfriend ko, susunod na lang ako. Pero hindi niya alam na pupunta muna ko Glorietta para bilhin iyong bag.

Muntik na ako mag-amuck nung malaman kong hindi pa pala ako makakaalis. May kailangan pa ako tapusin sa work. Bwiset talaga. Imi-meet ko pa naman iyong 1 kasama ko sa climb sa Glorietta kasi nga dun din naman ang punta ko kaya sabay na kami punta dun sa restaurant sa Jupiter after Glorietta nga.

Nagkataon (o tinaon) na nandun na sa Glorietta ang boyfriend ko. May binibili daw siya. Tapos sabi niya sundo niya ko. Sabi ko huwag na lang kasi may pupuntahan nga ko. Sabi niya siya na lang daw ang bili nung bag. Hindi na ko nagpakiyeme kasi malamang hindi ko na naman aabutan na bukas ang shop. Sayang naman. So binili nga niya.

Sundo niya ako sa office tapos may dala pa siya na muy paborito na barbecue flavor na potato fries from
Potato Corner, may new bag na ko, may rottweiler doggie pa na stuff toy.

O di ba, ang saya-saya? =)

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!