Pages

Monday, June 21, 2004

Condolence...

Pagbukas ko ng email kani-kanina lang, isang nakakalungkot na mensahe ang natanggap ko. Sabi ng Director namin, binawi daw ng Maykapal ang buhay ng ama ni Bert kahapon ng umaga. O di ba, ang ironic. Kahapon kasi ay celebration ng Father's Day. Sa totoo lang, muntik na ko mapaiyak. Alala ko kasi papa ko eh. Hindi ko siya binati kahapon, di ko siya inimik. Wala din ako regalo. Hindi kasi namin nakalakihan sa bahay ang maging demonstrative pag dating sa mga ganyan bagay. Pero mula nang nagka-trabaho ako, natuto ako magbigay ng kahit ano pag ganyang mga ocassion. Pero iba kahapon. Wala talaga akong binigay.

May cancer of the throat ang ama ni Bert. Kaya pala siya nag-leave nung April. Na-diagnose ito last March pa. Nakakalungkot talaga.

Si
Bert nga pala ang masipag at mabait naming messenger sa office. Kahit hindi job description niya at nag-request ka ng tulong niya, buong loob pa rin niya gagawin. Hindi ako sanay na humingi ng tulong o kaya mag-utos kay Bert na mag-photocopy ng sandamakmak ng documents pag may seminar ako na ino-organize o ipakuha ang mga bagay-bagay sa loob ng office. Kapag kaya ko at kahit mejo imposible (pero puede pa rin gawin), ako pa rin ang gagawa. Hindi naman kasi trabaho ni Bert yon. Marangal din na trabaho ang ginagawa ni Bert kaya wala sino man ang may karapatan na utusan siya ng basta-basta. Kapag talagang gahol na sa oras, andiyan si Bert. Always ready to help.

Alam ko na tatay ni Bert ang nawala pero alam ko rin kung ano ang halaga ni Bert dito sa office namin. Tagal na rin niya dito. Madami na din ako narining na mga kwento kung gaano siya kabait sa kanyang mga kapatid. Single pa iyan kasi priority niya ang parents niya at mga kapatid.

Ilang linggo rin siya mawawala dito sa office para asikasuhin ang libing ng tatay niya. Ilang linggo din namin hindi masisilayan ang masayahing mukha dito sa office. Pansamantala, walang babati sa akin sa umaga ng mala-Japanese sounding na good morning.

Condolence sa family mo, Bert. God works in mysterious ways no matter how good or bad we may perceive them. But God has plans for us. We just have to let Him do it for us.

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!