Pages

Saturday, June 5, 2004


Trabajo...

Dati, maligaya ako
kahit mahirap, mabigat
hala, sige pa rin.

kahit di ako kumain
matapos ka lang,
maipasa sa oras
sige, trabajo pa rin.

kapag di kita matapos
inuuwi pa kita,
kahit pagod na utak ko
sakit na ng katawan ko
kinakaya ko pa rin.

apat na taon na rin lumilipas
pero sa paglipas ng panahon,
sabay noon ang paghawi
ng kaligayang bigay mo.

siguro dahil unti-unti
na ring nawawala sa akin
ang konsepto ng idealismo.

iba na buhay ngayon
mahirap, humihirap
ako, kami nagbabago
pero ikaw, trabajo
ganyan ka pa rin
walang pagbabago.

=================

Bigla lang pumasok sa isip ko habang nilalayag ang mundo ng
JobStreet.

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!