Pages

Sunday, August 1, 2004

Dredski

Bihira ko na i-access ang account ko sa Friendster. Lately, masyado ako naging busy. Maliban doon, marami akong iniisip at wala na rin ako halos panahon na mag-update ng blog ko.

Ilang minuto pa lang nakakalipas ngayon, binuksan ko ang account ko. Hinagip ng mga mata ko ang Bulletin Board. Tiningnan ko kung anong mga posts doon na may kwentang basahin. Pinalagpas ko ang mga posts na puro survey. Halos pare-pareho din naman kasi ang laman eh. Pag may oras ako, nagbubukas ako ng ilan-ilan.

ATTN: Ibyang! Holy Kangkong! Ayaw ko buksan ang post na yun pero may duda ako na para sa akin ang mensaheng iyon. Ang kutob ko ay pinalakas pa ng kumpirmasyon na para sa akin nga iyon. Galing kay
Dredski. Bruha yun! I-post ba dun. Yun pa ang ginamit na pangalan. Hahaha. Talagang pinangatawanan na niya ang pagtawag sa akin ng ganun.

Isa si Dredski sa mga naging mabuti kong kaibigan nung naging volunteer ako sa UP Pahinungod. Isang batch ang tanda ko sa kanya kaya siguro magkasundo kami. Isa pa kwela itong si Dredski. Nakakatawa, nakakatuwa. Madaldal din katulad ko.

Marami akong fondest memories sa kanya. Hay naku! Baliw na baliw iyan kay Brian. Si Brian ay isang miembro ng kilalang fraternity sa college sa UP. Gwapo, tisoy at malaking lalake. Okay lang ang tingin ko sa kanya pero itong si Dredski, napapanganga kapag nakikita na si Brian. Napapa-ooh at napapa-ahh ang loka pag dumaan ang loko. Hahaha.

Isa lang si Brian pero siya ang pinaka para kay Dredski. Alala ko pa yung isang guy. Nakalimutan ko na ang pangalan noon pero alala ko pa mukha nung lalaki. Ano nga ba panagalan nung payatot na yon ha, Dredski? Payatot talaga siya. Eh malaki kasi itong si Dredski.

Isa pang hindi ko makakalimutan sa babaing ito eh yung nasa tmabayan kami ng Pahinungod. Pareho yata naming breaktime nun at naisip namin na tumambay muna. Sarap doon kasi - may sofa, may aircon, may pagkain, may mga kaibigan, may mga boys. Hahaha. Nagkataon na may blood donation nainorganize ang PGH. Napagkasunduan namin nina Dredski at Dewleeh na mag-donate. Sa aming tatlo, ako lang ang ayaw kunan ng dugo.

Papasok sa hallway, napapagitnaan ako ng 2 nang lumapit kami sa nurse. Pareho kasing malaking babae itong 2 kaibigan ko. In short, na-sandwiched ako. Sabi ng nurse, hindi daw ako puede kasi payat ako. Sabi ko gusto ko mag-donate at kakayanin ko. Hindi ako kako himatayin at malakas ang resistensya ko. Ang bruhang nurse na ayaw talaga pumayag ay nagsumbong sa duktor. Pinatawag kami. Habang nakatayo kami, sinipat ako ng duktor mula paa hanggang ulo at pabalik (Oo, baligtad nga). Dalawang beses niya ginawa iyon at sinabing hindi talaga puede. Ang ending ng storya, napilit ko siya na kunan ako ng dugo. Pinaupo ako pinilit kumain ng sandwich at uminom ng juice. Umupo ako pero tinanggihan ko ang kumain. Sabi ko, ayos lang talaga ako. Hindi naman ako nahilo nung tumayo ako kaya walang problema.

Pagpasok namin sa tambayan, kinuwento ng mga bruha ang nangyari. Siempre, humirit yung isang makulit. Sa susunod daw, huwag daw ako sumabay sa mga hindi ko ka-level. Hahaha. Sabay batok nung 2 babaeng kasama ko sa kanya.

Tinext ko ngayon ang bruha. Third year na pala sa Ateneo at kumukuha ng kursong Law. Nainggit na naman ako. Panagarap ko talaga mag-aral ulit. Isa nga ang abugasya sa mga pinagpipilian ko noon. Sabi ko nga sa sarili ko, subukan ko kahit hindi ko pa tapusin. Pero, marami pa rin bumabagabag sa isipan ko. Hindi na ako bata at dapat seryoso na ang mga bagay kong dapat gawin at hindi dahil isa lamang itong trip.

Gusto ng bruha na magkita kami. Wika nga, "to catch up with the good, old days." Bakit naman hindi? Maganda yun. Excited nga ako at magkikita kami ng bruha. Na-miss ko rin ito.

Siguro, pagkatapos na ng midterms niya ngayong buwan na ito. At least, may reason din kaming mag-celebrate kapag naipasa niya ang midterms niya.

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!