Ang Araw Na Ito

Siempre, looking forward ako sa araw na ito. Bakit kamo? Paalis kasi si Mamung Hapon ngayong araw na ito. Nagpulong kami kanina pero wala namang kwenta. Dapat meron kasi tungkol yan sa sabit-sabit naming proyekto para sa darating na Enero. Akala ko kasi may maibibigay siyang mga detalye. Kaso wala din, mabuti pang hindi na lang kami nag-meeting.

Anyway, nagkunwari muna ako pero pag-alis niya inasikaso ko na linisin ang personal at corporate inbox ko. Matrabaho pero mas maganda kung matatapos ko. Chineck ko din ang
Friendster account ko at in-update ang Xanga site ko. Inaayos ko pa din ang mga documents na nasa pc ko dito sa office kasi balak ko ipa-reformat o re-install yung OS nito. Di ko kasi original na pc ito kaya di ko kasundo yung settings. Hindi naman din maayos ng aming computer maintenance (maintenance ng sira, actually). Hehehe.

Bukas, aayusin ko itong mga files ko during our last 5 projects kasi natatabunan na ako dito sa mesa. Hindi ko na nga makita ang salamin ng table ko eh. Tapos aasikasuhin ko na yung 3 sabay-sabay naming projects for January. ewan ko ba kung bakit ang hilig nila pagsabayin ang pag-implement ng mga yun? Dadalawa lang namin kami ni Mamu dito sa group na ito. Anyway, trabaho bukas at paminsan-minsang pagba-blog. Na-miss ko yata ito.

_______________________

Ewan ko kung bakit pero nang makita ko sa newspaper na available na ang DVD copy ng movie ni
Garfield, sabi ko sa sarili ko, gusto ko magkaroon ng copy nun. Naalala ko kasi nung pinanood ko iyon, ayaw ko pa nga kasi di ko gusto ugali ni Garfield talaga. Pero natawa ako sa kanya, promise.

_______________________

Grabe! Pagbalik namin mula sa akyat nung Linggo ng gabi, nangangati na lalamunan ko. Ngayon ubo-ubo pa. Ang ginaw din dito sa office. Sana nga lang wag ako dalawin ng sakit bago matapos ng taon, ang korny nun pag nagkataon.

Maya, kita kita kami ng mga dati kong officemate para mag-get together bago matapos ang taon. Aside from hindi maganda ang pakiramdam ko, parang hindi ko rin trip na sumama. Ewan ko ba kung bakit. Pero siempre, alam ko naman talaga kung bakit. Ang gulo ko noh? :)

_______________________

Anak ng pating! Sa sobrang busy ko, nakalimutan ko nang ipadala yung bibilhing books nila
Ryan at Kumi. Buti na lang si Ryan, nag-promise na right after the holidays, kukunin niya talaga yung mga books. Ewan ko lang si Kumi kung interested pa siya.

Binebenta ko na kasi yung ibang mga books na nasa possession ko. Wala na kasi akong space sa room eh. Iyung iba naman, idinonate ko na sa mga kaibigan ko at dun sa isang charity center. Iyung mga binebenta ko, yun yung mga books na mahirap pakawalan kasi pinaghirapan ko bilhin iyung mga yun mula pa nung nag-college ako. Di ako kain ng lunch basta may gusto ako libro. :)

_______________________

Ayusin ko pa pala itong mga gamit ko. Iuuwi ko na iyung iba. Hehehe! Ang dami kong gifts at may chocolate pa. Type ko din itong Benguet coffee na matagal ko nang inaawit dun sa kakilala ko. Pagpunta ko sa
Baguio, bibili ako kofi sa Benguet. :)

_______________________

Kawawa naman itong 2 staff namin, nape-pressure dahil sa isa pang staff. Mind you, walang kinalaman sa trabaho ang reason kung bakit. Pero siempre, hindi ko sasabihin. Isa lang advise ko sa kanila: diretchahin para hindi makulit (sabagay, kahit ayaw mo talaga, pipilitin ka pa din. Nagkataon lang na hindi ako madaling mabola. Hehehe).

_______________________

Finally, magkakaroon na kami ng sariling bandila dito sa office. Buti na lang at nai-suggest ko na magpagawa na lang kami para hindi naman nakakahiya sa
Chamber of Commerce na palagi na lang naming hinihiraman. Dyahe no na isang buwan na nasa amin yung flag nila. 250 pesos lang naman. Kung di sila bibili, ako ang bibili para sa kumpanya. Baka yun lang eh pagka-kuriputan pa nila.

_______________________

Tama ba namang sa akin hanapin yung bwisit na mga photos na iyon?! Obvious naman na wala, sa akin pa hinahanap. Siguro, gusto niya makipag-usap. Sowee na lang pero wala akong time magsayang ng laway, lalo na at mahirap magsalita. It was her fault, asking me that stupid question for how many times. For how many times, I replied like it was nothing dumb. But when I told her what she thinks must be done, judging that she already knew the problem, I bluntly told her to use common sense. Aba, ang bruha nagalit sa akin. Hello! Do you still have grey matter lodged in your head o nalusaw na yan?!

2 comments:

  1. Nag-iba ka yata ng tema ngayon. You blog in Tagalog. Hmmm...nakapagtataka.

    ReplyDelete
  2. john, wala trip lang. Saka may fear ako na baka may makabasa na di dapat. :)

    ReplyDelete


My Instagram