Mahal Kong Sarili,
Bilang pagsagot sa panawagang ito ay minarapat kong sagutin ito.
Nakakagalak din kasing sumali lalo na at tunay namang kaaya-aya ang mga kasagutan ng iba pang mga Pinoy bloggers na nais na kumilala sa ating lahi.
Hango sa blog ng Pinoy Top 10:
Ang lahat po ng Filipino Bloggers saan mang bahagi ng mundo ay inaanyayahang lumahok sa Pinoy Top Ten bilang pagkilala sa ating pagka-Pinoy.
Kung nais nyo pong sumali ay sundin lang ang alituntunin at siguraduhin pong mag-iwan ng komento para maisama po ang inyong blog/website sa ating magiging Official Blogroll.
Simple lamang po ang paraan ng pagsali. Sundin lang ang mga sumusunod.Kumuha ng icon na gusto nyo. Maaari din po kayong gumawa ng sarili nyong icon/graphics kung gusto at ipaalam lang sa admin para maidagdag sa mga pagpipilian. Ilagay po sa inyong blog at siguraduhing nakalink sa PinoyTopTen website para makita ng ibang gusto rin pong sumali. Bumalik sa website ng kahit anong araw upang malaman ang susunod na paksa. Ito po ay ilalagay ng inyong lingkod sa huling bahagi ng entry tuwing araw ng biyernes. Ang entry po ay kailangang nakalathala sa Tagalog, kung kayo po ay nasa ibang bansa, kayo na po ang bahalang magdesisyon kung gusto nyo itong i-translate. Bumalik sa website tuwing araw ng Biyernes, mag-iwan ng komento pati na rin ng link sa inyong entry ng linggong iyon para madalaw ng ibang participants. Kung may suggestions po kayong sa palagay nyo ay magandang gawing paksa, paki-iwan lang po ang inyong komento sa Comment & Suggestions Tab. Siguraduhin po ninyong dalawin ang blog/website ng bawat isa upang mas maging masaya.
- Bantayan Island sa Cebu
- Chocolate Hills at Loboc sa Bohol
- Pagudpod sa Ilocos Norte
- isla ng Guimaras
- Sagada sa Mt. Province
- Aman Pulo sa Pamalican Island, Puerto Princesa at Honday Bay sa Palawan
- ang isla-probinsya ng Batanes
- Vigan sa Ilocos Sur
- Puerto Galera sa Oriental Mindoro
- sa ituktok ng mataas na bundok!
- Siempre ang aking pinaka-paborito: ang SINIGANG (baboy)
- BISTEK TAGALOG
- KINILAW
- ADOBO (baboy o manok)
- HALO-HALO
- TINOLA
- PUTO BUNGBUNG (miss ko na ito)
- LECHON
- KARE-KARE
- UMBA
- Mayroon tayong likas na kulturang ipagmamalaki sa iba.
- Binibigyan natin nang matinding paghahalaga ang ating pamilya.
- Lumilitaw ang tunay nating ugali na pagiging matulungin at pagdamay sa kapwa sa oras ng kahirapan at kalamidad.
- Taglay ng ating lahi ang ugaling marunong mahiya at pagtanaw ng utang na loob.
- Ang paggalang sa mga nakakatanda ay itinuro na sa atin mula pa pagkabata (ang po at opo, ang pagmamano).
- Sa anumang pagsubok sa buhay, lagi nating isinasamo sa Diyos na tayo ay gabayan at tulungan.
- Masarap tayong magluto at mahilig kumain!
- Pinagsisikapang matupad ang mga tinahing pangarap hindi lang para sa sarili kundi para rin sa pamilya.
- Kahit may suliranin sa buhay, hindi pa rin nating nakakalimutang ngumiti at tumawa.
- Bilang isang Filipino, ipinagmamalaki kong ako ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas. Kahit ano pa man, dito rin ako mamamatay.
Halika na kayo at sumali dito.
wow! thanks for accepting the invite, ang sipag mo,kina-reer mo yung tatlo :)
ReplyDeleteI've been dying to visit Pagudpud,sobrang daming positive comments ang nababasa ko tungkol sa lugar na yan.