Pages

Monday, November 3, 2003


Signs of a Friendster Addict

1. Kapag mas madalas kang magcheck ng friendster account mo kesa sa pag check ng email mo.

2. Kapag everytime may ginawa kayong kakaiba or kakatuwa ng mga friends mo, iniisip mo kung pano mo ico-construct yun sa testiomonial nila.

3. Kapag kukuha ka ng pic mo, iniisip mo anong creative na pose para mai-upload mo ito sa friendster.

4. Kapag may natutuklasan kang mga taong magkakilala na hindi mo akalaing magkakilala pala.

5. Kapag kilala mo na rin sa pangalan at itsura ang gf/bf ng crush mo na kaibigan ng kapatid ng kapitbahay mo sa kaka-connect mo sa friendster.

6. Kapag may bago kang kakilala, unang una mong tatanungin kung may friendster ba siya at kapag wala, iisipin mong wala siya sa uso.

7. Kapag kinuha mo ang lahat ng email address ng mga kaibigan mo para i-add/invite sila sa Friendster.

8. Kapag mas inaatupag mo ang maghanap ng magandang picture mo sa pc mo kesa sa mag-aral or magtrabaho.

9. Kapag pilit mong cinoconvince ang mga barkada mong hindi active sa internet na mag friendster na rin para dumami friends mo sa friendster.

10. Kapag you find yourself getting to know people na hindi mo naman kilala personally by reading their testimonials.

11. Kapag nagiging hobby mo na ang gumawa at magbasa ng testimonials.

12. Kapag napupuno na ang email box mo sa mga friendster message na XYZ is now your friend.

13. Kapag imbes na magtrabaho o gumawa ng assignment, itong message ang binabasa mo at napapa-agree ka dahil you're showing signs of being an addict.

14. Kapag may new set of friends ka na through friendster.

15. Kapag nag-organize ka na ng strictly Friendster party.

16. Kapag tinitignan mo kung ang mga ex-girlfriends/ex-crushes ng boyfriend mo ay nagiging friends nya na uli through friendster.

17. Kapag may mahigit sa isa na ang Friendster account mo. Baka dahil over-quota ka na sa 500 "friends" limit o kaya naman ay ikaw ang nagpasimuno ng Friendster account ng LaSalle, Meteor Garden, San Mig Light, Boracay, Tsong, etc... at higit sa lahat, kapag naisipan mong magdagdag ng iba pang signs sa listahan na ito.

18. When you have this deep irritation with your Internet rules because they blocked friendster.

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!