Pages

Tuesday, January 20, 2004


Hahaay...

Anak ng tokwa naman o! Gusto ko nang matulog pero hindi naman ako makatulog. Paano ba naman tambakakis pa itong trabaho na gagawin ko. Gusto ko tuloy isumpa ang election, investments, business sentiments at iba pa. Sa totoo lang, isa pa lang nauumpisahan ko. At bakit hindi? Aber? Siempre, inuna ko muna ang paglaro ng triple pop sa mobile phone ko, mag-check ng email, mag-post sa blog at mag-surf. Ayan tuloy, sumasakit na naman ang likod ko. Tumatanda na yata ako. Ewan ko ba. Dapat talagang gumawa ako ng paraan para maibalik na ang aking self-control. Yun bang may conviction. Hay buhay!

Back to work!

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!