Pages

Saturday, January 31, 2004


Topak...

Oo, tinopak na naman ako kahapon. Unfortunately, ang boyfriend ko ang pinag-initan ko. Ewan ko ba. Alam kong mali pero di ko maiwasan. Siguro kasi, lagi siya nandiyan. Easier to reach. Guilty na nga ko eh. Lahat na nga ginagawa niya para mapasaya ako tapos ako naman walang ginawa kundi awayin siya. Believe me honey, love kita kaya lang pag tinopak ako, topak talaga. Promise, nag-mellowed down na ako ng lagay na iyan. Malas mo kung nagkakilala tayo dati. Malamang hindi mo ko magging tayf non. Pasensya na talaga.

Eh kasi naman (there goes my defence line), sinanay mo ako na laging nandiyan ka. Ako pa naman iyung tipong sanayan. Hindi ko naman sinasabi na dependent na ako sa iyo kasi hindi naman talaga. Naiinis lang ako sa feeling na gusto ko lagi ka andiyan. That's a nice idea but it surely does not help me. Tangeks nga ako eh kasi ako nag-set ng isang resolution sa problemang iyan pero ako din sumisira. Siguro nga, girl na ako. [Gets mo bakit? Kasi saliwaan na rin ako mag-isip. Kasali na rin ako sa mga babaeng unpredictable mag-isip pero predictable na pabago-bago ang isip]. Oh yes, I am a girl now.

Anyway, alam kong binabaybay mo ang pag-akyat sa maliit na bundok ng
Taal para mag-linis kasama ng iba pang grupo. *hmm* Ingat lang ha. Alam kong madaming chicks diyan, magaganda pa. In fact, walang sinabi beauty ko. Nagkataon pa naman na puro kayo boys diyan sa group, magkakaibigan. Malamang gumawa ng kalokohan. Sayang wala iyung bantay ko.

Oist, papi! Last emote ko lang. Alam ko sawang-sawa ka na at naiinis na marinig ito, pero sasabihin ko pa rin. Better tell me straight if you are falling out of it. I would not mind accepting your decision...or maybe I would but I have to.

By the way, salamat ng marami dito. Ganda-ganda nila.