Pages

Sunday, March 21, 2004


Ngayong Araw Na Ito...

Well, nagawa ko naman iyung dapat kong gawin kagabi. Yun nga lang, hindi ko natapos kasi wala ng naka-store na water dun sa drum namin. Puede ko naman i-run yung motorized water source namin kaya lang gabi na sobra. Baka mabulahaw neighbors namin. Saka bigla ako tinamad kasi nabibitin na ko na matapos yung book na binabasa ko. Exciting na eh.

Kanina umaga, nakapag-jogging ako as planned. Naligo muna ko tapos mga 530am, sumibat na ko. Mga 6am, nasa
CCP na ako. Hay. Ang daming tao. Dami nga mga papabols eh. Hehehe. Sana walang magselos dyan. I was just appreciating the beauty around me. Lol.

Basta yun nga jogging ako. Ewan ko kung nakailan laps ako pero inikot ko talaga yun. Walang pattern. Basta kung saan ako dinala ng mga paa ko, doon ako.

Mga 7am, dumadami na mga tao. Hehehe! Nung madaanan ko yung area na may bicycles, naisip ko mag-rent ng isa. Siempre kakaiba na naman ako. Kasi, imbes na bicycle ang kinuha ko, sidecar ang ni-rent ko. Akala nung lalaki may kasama ako. Sabi ko, ako lang. Sabi niya bike na lang daw. Sabi ko wag na siya makulet kasi di ako marunong mag-bike. Ang mokong nagulat. Di siya makapaniwala na hindi ako marunong mag-bike. Saan daw ba ako lumaki? Anak ng tokwa. Paki mo ba.

Kaya lang naman ako nag-rent kasi gusto ko ma-practice yung mga hita at legs ko. Tagal ko na rin kasi hindi nagpupunta sa gym eh. Wala na rin namang stationary bike sa house. Saka naalala ko yung feeling ng hangin na dumadampi sa face ko at ang refreshing feeling (parang Nestea Ice Tea ang dating no) pag nililipad ang hair ko.

Mga 8am, nag-decide na ako na umuwi. Jog ulit ako towards
Roxas Boulevard. Siemai. Ang daming bata. Family Day eh. Nakakatuwa silang pagmasdan.

Nag-stay muna ko dun for 30 minutes. Gusto ko lang silang makita. Mga toddlers na natuto maglakad, mga magkakapatid na naglalaro ng tayaan. May mga mag-twithart pa nga ko nakita. Kakatapos lang din nilang mag-jog. Kakilig silang tignan. May dumaang nagtitinda ng balloon. Binili ni guy ng 3 red pink balloons si girl. Sabay kiss sa lips. =)

Tapos may nakita din ako na 2 matandang mag-asawa na nakaupo doon sa may covered na duyan/benches. Nakaharap sila sa may
Manila Bay. Pareho ng puti ang mga buhok nila at bakas na sa mga balat nila ang panahong nakalipas. Sa mukha nila ay mababanaag mo ang klase ng buhay na pinagdaanan nila. Sila yung mga tipong naghirap noon pero makikita mo kung paano nila hinarap ang mga paghihirap na ito.

Hawak-kamay silang nag-uusap tapos magtatawanan.

I promise, I saw that loving look on their faces after sharing that hearty laugh. Some kind of a joke only them were aware of.

Anyway, bago ako tumawid towards
Pedro Gil, bumili muna ko ng buco juice kasi sobrang uhaw na ako. Malayo-layo pa naman lakarin ko towards Taft Avenue. Bumili rin ako ng taho nang nakasalubong ko yung magtataho.

930am na nang dumating ako ng house. Pagkabihis, hinagis ko na iyong mga pantalon ko sa washing machine. Madami-dami din. Bago magtanghalian, natapos na ko.

Pagbaba ko, nagkataon na nag-ring ang telepono. Ang boyfriend ko pala. Kanina pa raw siya tumatawag. As usual, chikahan to the max gamit ang cellphone niya. Hehehe.

Sana hindi siya bangag kasama ngayon. Pupunta ko ng
Robinson's Place para mag-mini-shopping.

Ayaw ko na gamitin ang salitang mini-shopping sa harap ng boyfriend ko kasi iba daw ang mini sa akin. Todo daw iyon. Ubus-ubos.

Tingnan na lang natin mamaya.

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!