Pages

Saturday, March 20, 2004


Surfing All Day Long...

Hay. Mula nang magising ako ng alas-dose ng tanghali, wala na ko ginawa kundi magbabad sa harap ng computer. Ok, give me credit naman. Ako ang nagluto para sa lunch - sinaing and sinigang. Tsalap nga sinigang eh. As usual, sa malaking mangkok na naman ako kumain minus my chopsticks. Pagkatapos hugas ng pinagkainan namin. Naisip kong mag-mop ng floor tutal walang tao na paikot-ikot sa 2nd floor. Wala mga kapatid kong makukulit at ang parents ko naman eh nasa 3rd floor at nanonood ng tv. Magandang timing. So, nagwalis ako tapos mop na. Ayos, tapos na.

After non hanggang ngayon, computer pa rin kaharap ko. Say mo, nagsaing na lang ako for dinner since may ulam pa.

Hindi ko na naisip gumimik ngayon kasi mas trip ko mamalagi dito sa house. Nakaka-miss din. Tinext ko na lang ang boyfriend ko na hindi na lang ako sasama sa kanya na pumunta sa house nung isang friend namin sa climb. Sabi ko siya na lang. Mejo nalulungkot ako kasi gusto ko makapag-paalam sa father ni
Arnel. Nakasama ko kasi iyon sa climb ko sa Mt. Pinatubo at sa totoo lang, cool ang dating niya. Normally kasi mga ka-age ko lang din ang mga nakakasama ko eh. Iba rin kasi iyung may ibang ka-henerasyon kang kasama. May mapupulot kang ibang knowledge at may macha-channel sa iyong wisdom (magkaiba ang knowledge sa wisdom).

Tinext din ako ni
Chummy chu-chu kung pupunta ako sa Cavite. Sabi ko hindi na kasi may ginagawa pa ko. Hay. Di ko pa nasisimulan ang laundry ko. Mas trip ko sa gabi gawin yon kasi malamig. Habang nagha-hum ang washing machine, nandun ako sa sala sa 3rd floor at magbabasa ng book. Planado na iyon. Mga 9pm ako start tapos tatapusin ko na din basahin 'yung paborito kong book na sinulat ni Dan Brown. Exciting na iyung story eh. Sigurado ko, tapos iyon ngayong gabi.

Sana matapos agad ako sa laundry para maaga ako magising bukas. Magja-jogging kasi ako sa
CCP. Gusto ko kasi kahit isang beses man lang sa isang linggo eh nakakapag-jogging ako. Sabihin na umaakyat ako, iba pa rin para sa akin ang jogging. Miss ko na din kasi makita ang Baywalk na teeming with kids with their parents. Family day nga di ba?

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!