Pages

Saturday, March 20, 2004


This Guy...

I call him Hilario. Of course, he does not know that I call him that. Nor does he know me, at all.

Why do I call him such? For the reason that he makes me roll from laughing hard. The guy simply knew without effort how to drive people on their stomach. He delivers his lines without a punch and yet, you will find yourself clutching hard the edges of your bed.

Hay naku,
Hilario!

Ito 'yung tipong ikukwento lang niya ang nangyari sa maghapon niya and out of the blue, magiging iba na ang tone ng kwento niya. Mula seryoso, nakakainis tapos biglang...hay...talaga kaloka!

Sa pagkaka-alala ko, naiinis siya sa sarili niya kasi nga di niya maintindihan ang sarili niya. Una, nabulyawan niya 'yung kaibigan niya. Nasigawan niya all because na-disconnect siya. Nagda-download yata siya. Nagkataon na 98% na ang nai-download nang biglang na-dc siya. Simula siya ulit. Nagkataon na nung na-dc siya, 'yung friend niya ang tumawag. Makes no sense to shout at your pal, right? Yup, ganon kababaw.

Eto 'yung line na mejo nag-deviate sa pagra-rant niya.
"Konting irita lang, sigaw na. Feeling ko, ang sama-sama ko tuloy. Hay. May tendency pa naman ako to hit things. Lalo tuloy ako nagwo-worry na baka magising na lang ako na nasa bilangguan na ako dahil nakapatay na ako ng tao. (Gothika, ikaw ba yan?) Hekhek. Hay."

Tapos tinanong siya nung isa pa niyang kaibigan. "Hindi ka naman battered noong bata ka?"

Meron pa. Balak niya punta dentist para obviously, alam naman natin bakit punta dentist, di ba? Hehehe! Basta ganon na nga. Ligo siya tapos nung magibibihis na siya wala siya makitang damit. Nagpaparinig siya sa 2 ate ('yung 1 abroad, 'yung 1 nasa hauz lang) niya na bilhan siya. Wala na raw siyang damit, sapatos pati pants.

Eh di yun na nga. Nung naghahanap siya ng pants, wala na talaga siya makita. Nilabhan lahat ng katulong nila. Nagkataon na 3 lang pants niya. Actually, 5 yun kaya lang growing boy daw siya kaya masikip na yung 2. Since wala nga siyang maisuot na pants, shorts na lang daw. Nagkataon wala siyang sandals kasi sinira na pala ng bro niya. Nung susuutin na niya shorts niya, sira din. Sinira din ng kapatid niya. Naisip ko lang na kung mamalasin ka nga, talagang mamalasin ka. Hay.

Eto yung nakakatawa.
"Kanina, awang awa ako sa sarili ko. Ikot ako nang ikot sa loob ng bahay na naka-towel lang. Naghahanap ng maisusuot. Hay. Buraot.

At alam nyo ba kung kanino ako nakahiram ng pantalon?

Sa katulong namin. Hekhek."

Ay, sana di niya mabasa ito. Baka patayin ako nun. Madali pa naman siya magalit. Hahay.

Hindi ko siya kilala pero sa pagbabasa ko, hindi ko mapigilan mag-isip kung miembro ba siya ng 'pederasiones'. Sa mga salita at hirit niya, parang ganon nga siya. Pero ang pagkakaalam ko, meron siyang girlfriend.

Ay naku. Wala ako paki kung ano pa siya. Basta natutuwa ako sa kanya.

Hay naku,
Hilario!

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!