Straight from Peyups...

Sabi ko nga bored ako kaya eto kung saan-saang site nagsu-surf. The luxury of having more time nga naman. Hay.

As I was reading on, I came across this. Wala lang. Naisip ko lang na this article would be most likely written by me, based on my experience. Pasintabi lang sa honey ko but mine has a funny ending. Basahin na lang sa dulo nitong article na sinulat ni
hnd_k_alm.


Hindi naman ako talagang ganito. Sa aming lahat ng mga kaibigan ko, ako yung bitter. Ako yung anti-mush. Ako daw yung stone cold. Sabi nga nila man hater pa ako. Na-iimagine niyo naman siguro di ba? Pero ewan ko ba, pagdating sa taong ito, kinakain ko lahat ng sinasabi ko. Tanggal bitterness sa katawan ko. Tanggal pagka-peminista ko. Kaya ako nagiging isang malaking contradiction e.

Hindi naman siya guwapo. Actually, di naman talaga ako mahilig sa guwapo. Wala nga akong hinahangaan sa kanya, siguro yung mata niya. Siguro, yung pagiging magaling niya sa drawing and mechanical stuff. Pero, sa tingin ko, hindi yun sapat para magtagal ang kabaliwan ko ng almost four years.

Sabi nila, mabait naman daw yun. Hehe. Oo nga, sa kanila lang. Pagdating sa akin, isa siyang antipatiko! Mabibilang ko kung ilang beses na niya akong sinigawan. E siya yung tipong tahimik lang, mahirit pero hindi loud. Aba, nasigawan ako. E ako naman yung tipong ayaw ng sinisigawan. Matagal na dapat akong na-turn off sa kanya, pero hindi pa rin.

Mabibilang ko din sa isang kamay lang kung ilang beses niyang sinabi ang pangalan ko. Sa mag-a-apat na taon, 4 na beses pa lang niyang sinasabi yung pangalan ko. Pag tinatawag niya ako, “oi” ang sinasabi niya. Hay naku. E ako din yung tipong naiinis kapag ganun. May pangalan ako, iyon dapat ang tawag sa akin. Matagal na dapat akong na-turn off, bad trip.

Masasabi ko namang magka-frequency kami kahit papaano. Nakakapagtawanan naman kami. Pero, pagdating sa mga bagay na gusto ko talaga, ayaw niya o kaya, di niya masakyan. Tama ba namang laitin ang laing? Taga-Bicol ako e. Sa music din, mahilig siya sa pop, mahilig ako sa alternative. Pati team ng basketball, magkaaway kami. At dun din sa paborito kong tula na ginawa ni Alejandro Abadilla, hindi niya rin masakyan, pinagtawanan pa niya. Matagal na talaga dapat akong na-turn off, hay.

Ang dami kong ginawang bagay na hindi ko akalaing gagawin ko para sa isang tao. Hindi naman sa humihingi ako ng kapalit. Pero sana na-a-appreciate man lang niya yung mga ginagawa ko. Nung inaantok siya, binigyan ko siya ng unan at higaan. Nung hindi maganda ang pakiramdam niya, inalagaan ko siya. Hindi ko nga pinagsisilbihan ng tubig yung mga magulang ko, pero siya pinainom ko. Yung mga maliliit na bagay na ganun. Pero kahit isang beses, wala akong narinig na “thank you” o “salamat” sa kanya.

Siguro iniisip ninyo, ang tanga-tanga ko no? Hehe. Wag kayong mag-alala, iniisip ko din yun sa sarili ko. Aware ako sa bagay na yun. Alam ko namang wala kaming potensyal e, kahit sinasabi ng mga tao na may pag-asa. Hay, bahala sila. Hindi ko naman kasi crush yun. Wala akong hinahangaan sa kanya. Wala akong gusto sa kanya, kasi obvious naman sa mga naisulat ko na, hate ko siya. Hindi ako infatuated. Kasi kapag infatuation, may dahilan, pero ako, wala. Lalo namang hindi ko siya mahal, hindi pa ako nasisiraan ng ulo at hindi naman kami close. Paano ko siya mamahalin kung hindi ko siya kilala? Hindi ko nga lang alam kun ano ‘to at bakit ako nagkakaganito.

Siguro friendship ang habol ko sa kanya. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Ang dami nang pagkakataon, pinalipas ko lang. Gusto kong malaman kung bakit ayaw niya akong kausapin. Gusto kong malaman kung bakit siya ganoon sa akin. Ayokong gawin niyang rason na dahil naiilang siya dahil aasarin kami. Pakiramdam ko, hindi yun ang dahilan. Mas tatanggapin ko pa kung ang sasabihin niya, dahil hindi lang talaga niya ako trip bilang tao.

Dalawang beses na niya akong napaiyak. Yung una, depressed na talaga ako tapos siya yung nag-trigger para maiyak na talaga ako. Yung pangalawa, tears of joy. Sa nasabi ko nga kanina, never siyang nag-thank you sa akin. At sa pagkakataon na iyon, nag-thank you siya. Napatalikod na lang ako pagkatapos niyang tawagin yung pangalan ko, sabay “thank you” at abot ng gamit na hiniram niya. Namalayan ko na lang na tumulo na yung luha ko. Hay, sa wakas, with a smile, yun ang naramdaman ko.

Ayun. Sabi ko sa inyo, nag-iiba ako kapag siya na ang pinag-uusapan. Lahat ng kadramahan na mahuhukay sa kaloob-looban ko, mailalabas. Bad trip. Pinagtatawanan nga ako nung isa kong kaibigan. Pero ewan ko, iba lang talaga siguro siya.


I wonder kung ano ang ending nitong story niya. Sana sumulat siya ulit. Hehehe. Basta ang alam ko nakakatawa yung sa akin.

Naging close din kami afterwards. Tinatawag na niya ko sa name ko at ang super sweet pa. Lagi pang may kiss. Kapag nagkikita kami, kahit wala pang isang oras kaming nagkakahiwalay, may hug na agad ako. Dahil alam niya na hindi ako puede mag-absent sa Math class ko, hihintayin niya ako ng 5 hours para lang makapag-mall kami at mag-shopping.

Sa sobrang closeness din namin, he trusted me with his secrets, especially pagdating sa mga "papa." Nakita ko na nga rin nang sobrang lumuha ang kaibigan kong ito ng dahil sa lalaki. Hay naku. Muntik ko nang pingutin ang ilong ng mokong na lalaki na iyon. Hindi ko naman siya masabunutan at mapingot sa tenga kasi matangkad siya. Actually, nasa tiyan niya lang ang height ko. Pero, I am proud to say na may ginawa ako para mapatawa ang friend ko na iyon.

Si mokong the giant eh hindi nakapagpasa ng math assignment namin na pinakopya sa kanya nung isa naming bitchy na classmate. Itinago ko yung assignment niya dun sa ilalim ng desk niya. Ewan ko lang kung nakita pa niya.

O siya, inaamin ko na bading yung naging crush ko. Lolz.

No comments:

Post a Comment


My Instagram