Pages

Monday, April 26, 2004


What's the point...

Hindi ko alam kung may kwenta ba na mag-subscribe sa group na iyon. Kaya lang naman ako ng nag-subscribe eh dahil sa alam kong informative at talagang may matutunan ako sa pagtanggap ng mga mensahe mula sa kanila.

Kabaligtaran pala ang nangyayari. Nagiging venue na siya para manira ng tao, makipag-away dahil hindi nagustuhan ng isa ang sinabi. Lalo pa akong nabuwisit dahil parang pinalalaki pa ang isyu na maaari namang ayusin o bigyan ng suggestions. Yung iba naman, wala na talagang sense ang sinasabi, nanggugulo pa. Minsan naiisip ko tuloy na ang ibang mga umaakyat na tinatawag nila "mountaineer" ang sarili, eh mas puno pa ng kayabangan at angas ang katawan. Eto na naman. Baka may humirit pa at biglang i-define sa akin ang meaning ng salitang iyon. Talagang kukunsultahin pa ang iba't ibang talatinigan para lang bigyan ito ng kahulugan. Hahay.

Pati ang pagpapadala ng grupo sa Bundok Everest eh tinitira ng iba. Wala ka na bang magawa? Just for the sake of arguing with other people, kahit wala ng sense ang hirit mo, magsasalita ka pa rin. Bakit hindi mo na lang suportahan? tutal, atin din naman yon. Kung ano mang karangalan ang ibigay nila sa Pilipinas, karangalan mo rin yon. Ang failure nila, failure mo rin. Depende na nga lang siguro yon kung may paki ka. Tinanong ka nung isa kung kalahi ka namin, sabi mo oo. Nakakahiya ka. Manahimik ka na lang kung wala kang masabing may kwenta. Gets mo?!