Pages

Thursday, June 17, 2004

Forgive Me...

Naranasan mo na ba yung feeling na gusto mo matawa ng malakas pero pinipigil mo? Hindi ba ang sakit non sa tyan. Nakita ko ng boss ko na nagtatago sa harap ng monitor at akala niya eh inaatake ako ng kung ano. Sabi niya, nakita daw niya yung shoulders ko - like undergoing involuntary spasms. Di ko na napigilan kung hindi ang matawa.

At ang may sala? Isang email na aking nabasa. Ang lakas kasi ng tama niya. =) Natawa ako kasi hanep sa pag-English, daig pa nga ang barok eh. Pati opismeyt ko, sobrang natawa din. Ilang beses nga kami nagpalitan ng email dahil doon.

Basta ang ending namin ng usapan ay: "Ibig bang sabihin na ang root word ng hornamental ay horny? juk juk..."

O siya, siya. Alam kong mali ang tawanan ang kamalian ng iba. Humihingi ako ng paumanhin. Pero promise, nakakatawa talaga.

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!