Pages

Thursday, June 17, 2004

Shakey's...

Napapadalas yata dinner namin ni bf ko sa pizza/restaurant na ito. Last week ako nagyaya. Bakit kamo? Nakita ko kasi sa isang ad sa newspaper na ginawa ng daily part ng menu ang ibat't ibang salad. Mahilig kasi ako sa salad eh. Kaya yun, pinagbigyan ko na naman ang food cravings ko. Hehehe. I tried their Caesar's salad. Sa totoo lang, ang sarap niya at malaki ang serving. Siempre pinilit ko si bf na makidukot sa food ko. Since mahilig din ako sa patatas, order din ako ng Mojo's n Dip with a zesty Caesar dressing. Si bf naman, ayun, hehehe, mega-order ng platter of something. Kaloka.

Busog kami pareho at promise, inantok kami sa kabusugan.

Naulit na naman ang pag-trip sa Shakey's kahapon. Dinner ulit kami at siempre excited ako. Hehehe. Pero di na salad order ko. Humirit ako ng Bunch of Lunch, isang plate ng Mojo's n Dip with a garlic/spice dressing yata yun. Si bf naman hindi na platter ang order. Nadala siguro. Hehehe. Order siya ng Italian Rice Toppings (buking ko lang sa inyo na di complete hapunan niyan kapag walang kanin *grins*), spaghetti (kinupit ko yung garlic bread - isa ulit sa pavorito ko) saka meron pa siyang choco shake. Ako nagtubig na lang kasi di ako umiinom ng softdrinks and sawa na ako sa iced tea.

Baka hindi muna kami bumalik doon. Unless, biglang hanapin ng dila ko ang mga iyon.

Alam ninyo kung saan daw kami kain mamaya? Ako hindi ko alam kanina pero sabi niya doon daw sa restaurant na lagi namin kinakainan pagkatapos ko siyang awayin. Siempre, mega-isip ang lowlah mo. Saan nga ba iyon? Binigyan niya ako ng clue at nalaman ko na ang sagot. Yup, sa
Pancake House kami mamaya. Naisip ko nga na totoo yung sinabi niya. Lagi ko nga siya inaaway nun. As in talagang mega-tampo yun. Siempre si bf, mega-suyo din. Kapag mejo kumagat na ako sa bola niya, direcho na kami dun. Minsan kahit tampo pa rin, kahit nakaupo na dun, mamalayan ko na lang na normal na ulit ang lahat. Normal na kasi ang daldal ko na. Sabi nga, the usual me. Hehehe!

Teka nga muna, bakit doon kami kakain mamaya? Hindi naman ako nagagalit o nagtatampo sa kanya ah? *hmm* I cannot see the pattern, my dear. You bettah explain. =)

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!