Pages

Monday, June 14, 2004


High School...

Nakakatuwa naman. Madalas kami magkausap ng mga former batchmates ko ng high school. Nakakatuwa kasi we are leading a good life. Mas masaya pa kasi mas nakakausap ko sila ngayon compared before. Mahiyain kasi ako nun, super talaga. Wala nga sa mukha ko ngayon eh. Sino ba mag-aakala na ako pala ay may kahihiyan nun. Lolz!

Meron pang iba na nakikipaghulaan kung kilala ko pa raw ba sila. Sabi ko, give me a name and I'll prove it. Meron na nga din nagyaya na dapat daw eh magkaroon daw kami ng high school reunion. Aba! 10 years na rin ang nakalipas noh. 1994-2004. Yeah, a decade has past.

Alala ko si
Philip. Hay naku, tisoy na mamula-mula ang skin. Super quiet and intelligent pa. One of the good boys yan nung high school. Since elementary, classmates na kami. Currently, he is in the country having a vacation. By August daw, he has to go back to Cali. Sana magka-reunion before siya balik dun. I have this gut feel na he is not that quiet anymore, hahaha!

Si
Maricar naman ay married na. She is now Maricar Go-Ilagan. If I remember it right, 2 years na siya attached. Katuwa kasi, I saw the photo of her baby girl, ay, grabe! Mega inggit ako because she's so pretty ha. Sabi ni Maricar, mana daw sa mommy. O sige na nga, wala na ko sinabi. Hahaha. A pretty toddler with a pretty name, Frances Danielle. Hay, inggit talaga. =)

Another one who I regularly emailed with is our consistent valedictorian,
Melody. Ay naku, ang hirap i-displace nitong girl na ito sa list ng honor students. I was part of that list but I never came close to her status. Hahaha! Asa pa ko. Currently, she is working under the Fortune Group of Companies. That's Lucio Tan's business ventures, I think. It is not surprising because she is Chinese and always a tough classmate to beat when it comes to academics. Engaged to be married na rin siya.

Etong isa naman, si
Mel nagpapahula kung kilala ko raw siya. Sabi niya, 4 lang daw sila sa West na may ganon na name. I asked him kung Rommel ba name niya. Hindi pa siya sagot eh. Isipin ko kung sino siya dun. Hehehe.

Huli ko nakausap today was
Claudinne. Kaloka! Aside from Jinks, si Claud ang confidante ko nung officer ako sa CAT. Deputy namin si Claud. Hay, bait iyang babaeng yan. She was strict but fair pagdating sa training. I miss the old times talaga.

Batchmates, kelan tayo magre-reunite? Hehehe.

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!