Pages

Monday, August 16, 2004

Ano Ba Talaga, Kuya?

Feeling ko talaga isa na akong ganap na babae. Bakit kamo? Maliban sa pagkahilig ko sa shopping, ang i-raid ang mga beauty shops para sa mga kakikayan paraphernalia, ang magka-interes sa mga spa, taglay ko na rin ang isang katangian ng mga babae: ang magdalawang-isip sa mga bagay-bagay na bumabagabag sa akin. Mula kasi noong naging CAT officer ako nung high school, hinasa ko na ang sarili ko na maging independent, mas malakas - physically, emotionally and mentally. Nung naging officer ako, ginawa ko ng habit ang humirit ng 50 each na sit-ups at push-ups paggising ko sa umaga bago pumasok sa school. Pinilit ko rin huwag agad maging apektado sa mga nangyayari sa paligid ko. Tinanggal ko rin ang ugaling magbago-bago ng isip kapag nakapag-desisyon na. Nagawa kong lahat yan.

Pag ikukumpara ko ang noon at ngayon, masasabi kong biglang nawala sa akin ang mga iyon. Minsan nagsisisi ako pero naisip ko din na kahit paano naging masaya naman ang mga naging kapalit noon. Ano yon? Coming-out? Hahaha.

Hay naku. Sana bigyan ako ni Lord ng guidance. Maloloka na ako kakaisip kung lalayas na ko sa kumpanyang apat na taon ko ding pinagsilbihan at bumuhay sa akin. Maya, sigurado na akong aalis. Bukas, hindi na naman. Oh may golay.

Hindi lang dahil sa amo kong magulong kausap at masyadong nagmamarunong ang dahilan bakit gusto kong umalis. Wala kasi akong natutunan na, walang growth pa. Maliban pa doon, pang-Happy Meal (sabi ni TJ nung naka-sick leave ako kuno) lang iyung binigay na increase sa amin.

Sana naman may magandang trabaho ang lumapit sa akin, maliban sa magtrabaho sa call center. Okay naman sa call center, exciting nga sa tingin ko pero hindi ko talaga linya yun. Sayang naman kung hindi ko magamit ang pinag-aralan ko. Pero, open pa din naman ako na maiba ang linya ko, basta masaya lang ako. Para sa akin, kahit anong work, basta masaya at challenging.

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!