Pages

Wednesday, October 13, 2004

Looking For Something

Talaga bang tsismoso ang lahi ng mga amo namin? Hahay. Ok lang kung tsismoso siya. So far, siya lang iyung kalahi nila na wala akong masamang tinapay. Ganito kasi iyon.

Lech kasi tinatawagan ko. Kanina pa ko nagpapadala ng fax message pero lagi na lang error. Ilang numero na rin ang binigay nila sa akin pero wala pa din. Kaloka. Gamit ko iyung telefono ng fax machine.

So, ayun! May-I-dial naman me. Nung binaba ko na iyung hook ng phone, biglang na-unhook naman iyung tapon ng right earring ko. Ginala ko mata ko pero di ko na makita. Sabi ko, hanapin ko nga. So, mejo tumungo ako ng konti para mas makita ko. Iyong sinasabi kong amo namin, malapit lang table niya at nasa telepono siya nung tumungo ako. Ayaw ko kasi doon gumala ang tingin niya kaya sinamantala ko na may kausap siya sa phone. Ang mokong pala, nakatingin habang naghahanap ako.

Pagbaba niya ng phone, tumingin siya pero di nagsalita. Sabi ko sa sarili ko, sige ok lang na hindi ko na makita iyon (kahit nanghihinayang ako). Eh si mokong hindi yata nakatiis, nagtanong. Sabi ko wala. Na-weirduhan siguro sa akin. Iyung messenger namin na nasabihan ko, naghanap after a few minutes. Eh di siempre mega-intriga si mokong. Sabi ko sa messenger namin, hayaan na lang iyon. Si mokong mukhang nakakaawa na ang face sa kakatingin sa amin. Sige na nga. Kako iyung nasa tenga ko nawawala. Ewan ko ng lang kung na-gets niya kung ano iyung nawala.

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!