Wala Lang

Dear Me,

Natuwa ako kanina. Kasi, may bago akong kaibigan.
Hindi siguro kami magiging malapit sa isa't isa
pero maganda yung pakiramdam na may bago kang kakilala.
Ang pangalan niya ay Onin.
Hindi ko nga lang naitanong sa kanya
kung ang Onin ay Nino.

Dumaan siya sa tanggapan ko kaninang tanghali
upang kunin ang mga bagay-bagay na dating akin.
Hindi siya ang dapat na kukuha pero abala si Jenn.
Si Jenn nga pala ay bago rin kakilala
na sa totoo lang ay pamilyar na sa akin ang pangalan.
Kaeskwela ko siya sa Unibersidad ng Pilipinas.
Yun nga lang sa Diliman campus siya, ako sa Manila.
Sayang at di kami nagkita ni Jenn.

Balik tayo kay Onin.
Alam pala niya kung anong uri
ng kumpanya ang pinapasukan ko.
May koneksyon kasi ang kumpanya namin
sa dating kumpanya niya.
Ang loko, kinausap ako sa ibang wika.
Naunawaan ko ang ibig niyang tukuyin
ngunit hindi ko naman batid kung paano siya sasagutin.
Sinabi ko na lang na tumigil na ako
sa pag-aaral kaya hindi ko siya masasagot.

Mukhang ayos naman siya.
Mukha siyang mabait... at harmless.
Hehehe.


******

Nyak. Hindi ako makakasama sa kanila. Hmm.
Nagbabalak kasi sila magkita-kita.
Bad trip.
Gusto ko sumama pero parang ayaw ko din.
Ano ba talaga? Hehehe.
Excited ako tapos biglang, "ay, wag na lang."
Siguro next time na lang. Hmm.


******

PS. Sa mga nagtatanong kung anong nangyari at
kung ayos lang ako,
ok po ako.
Ganon talaga buhay.

No comments:

Post a Comment


My Instagram