Pages

Saturday, May 6, 2006

Kape, Alak At Beer

Dear Me,

Andito pa din ako sa may Dusit Hotel. Nag-iinternet. Kape, Colt45, Red Horse o Screaming Orgasm? Kahit alin sa tatlong iyan, Malate ang bagsak ko. Kung magwawala rin lang naman ako, doon na lang kasi pakiramdam ko mas ligtas ako doon.

Masarap ang kape, tubig ko nga yan eh. Pero gusto ko maging light-headed para kahit paano maibsan yung gagang feeling na nararamdaman ko. Kanina ko pa nga sinusumpa ang sarili ko. Yeeh! Nanggigigil ako.

Goodness. Where are my friends? Kahit hindi yung totoo. Kahit yung mga tipong pang-inuman lang.

Hay gabi na. Magda-dalawang-oras na rin ako dito eh.

Ayaw ko ng San Mig Light. Colt45 puede pa. Ayaw ko naman din magwala ng sobra dahil mag-isa lang ako. Baka magsisi rin ako pag nagkataon. Either maholdap (na naman?) o ma-rape pa (as if may papatol). Hahaha.

Naisip ko pa ang mag-chat at baka andun yung mga dati kong kakilala na tomador. Kaso, ayaw ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang papasukan ko eh. Baka kung anong mangyari.

Basta ayaw ko umuwi. Tapos na sunset sa Manila Bay. Sayang.

Kanina nga pala naisip ko na sumibat ng Baguio. Kaso naalala ko ang bilin ng nanay ko. Wag na lang muna. Bawal iwanan ang bahay at ang mga kapatid ko. Saka may mga naiwan akong mga obligasyones sa bahay. Nagpapakabait din ako sa office. Ayaw ko mag-absent sa Monday noh.

So, next weekend ako akyat Baguio. Solo. Kahit na dapat akong mag-ipon para sa byahe namin sa CBU, lech, I need to get away...alone.

Bahala na si Batman.

3 comments:

  1. solo?
    sama ako!!!

    i think i need vacation too.
    hayy... im just so stressed right now.

    ReplyDelete
  2. aww...kawawa naman si my friend ko, lonely at stressed out na sa work.

    Hmmm....suggestion lng if I may, wag ka nlng pumunta ng bagyo, ibuhos mo lahat ng frustrations mo sa CEBU, magpakasawa ka sa beaches d2, or kung gusto mo natures trip, sa KAWASAN FALLS in Badian maganda dun! promise

    Ganyan talaga ang buhay minsan, parang wheel of fortune, sometimes you're up, sometimes you're down.

    Kulang lang sa pa.cute² yan ;) CHEER UP, wag patalo sa problema. Kung di mo na kaya, tumawag ka sa KANYA nandiyan lang cya palagi, nagmamasid, naghihintay, at handang umunawa.

    Have a Nice Day!

    ReplyDelete
  3. ok lang yan. dumarating talaga sa mga buhay natin na tayo ay mga adik!

    ReplyDelete




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!