I know it is kind of late already but I would like to share this article I had written way back in 2006. This time, I had it written in Filipino, our national language. Kindly excuse me for not scribbling it in English.
Sa Araw Ni Mamu
Sa isang buwan, Happy Mother's Day na. Wala pa rin ako nagagawa for my mom. Gusto ko kasi mapasaya ko siya kahit buong isang araw. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung may lumipas bang araw na natuwa siya sa akin. Hindi naman din kami lagi nag-aaway. Sa katotohanan, kapag may oras kami at nagkikita kami sa loob ng bahay at paminsan-minsanang nagkakasabay sa hapag-kainan, nag-uusap kami ni Mamu. Minsan seryoso, minsan kalokohan; minsan din nagkakataon na ang usapan namin tumutuloy sa hindi pagkakaintindihan at pagtatalo. Ayun yung mga panahon na ninais ko na sana hindi na lang kami nagkasabay sa mesa para kumain.
Hindi ako sobrang malapit kay Mamu kasi bata pa ako, nasa munting isipan ko na na hubugin ang sarili na maging independente. Gusto ko ipakita sa kanya na kaya ko gawin ang mga bagay-bagay na ako lang mag-isa. Kung kaya ko rin lang, bakit pa ako magpapatulong? Sa paglipas ng panahon sa buhay ko, nabago din ang paningin ko sa buhay, pati ang pagtrato at pakikipagrelasyon ko kay Mamu.
Hindi ko na isa-isahin ang mga bagay na iyon dahil alam ko na wala ring mababago. Ako pa rin ito at aminado ako na mahirap baguhin ang sarili. Ginawa ko na yan dati pa pero mas lalo lang akong nalungkot. Dahil sa kalungkutang iyan, inisip ko na ang laki na kaibahan ko sa mga babaeng katulad ko. Minsan ang tingin ng ibang tao na kapag iba ka, astig ka. Hindi. Mali yon. Dahil sa kabila ng kaibahang iyon ay ang mukha at emosyon ng karaniwang taong marunong umiyak. Hindi ako bato. Pinilit ko lang maging bato dahil ayaw kong masaktan. Lahat ng nararamdaman ko, ako lang nakakaalam non, wala ng iba. Lahat ng sakit, nandito lang sa loob ko.
Kaya siguro lumaki akong mataray, bugnutin at malayo ang loob sa tao. Siguro sa mga ilang nakakakilala sa akin, hindi sasang-ayon na hindi ako marunong makipagkapwa-tao. Eto ba namang daldal ko na ito. Pero hindi nila alam, nahihirapan ako makipaglapit ng loob sa tao. Sa ibabaw ng mukhang bungisngis at walang patid na tawa ay isang mukhang hindi alam kung paano talaga makipagkapwa-tao.
Sa kabila ng lahat ng iyon, nandiyan lagi si Mamu kahit ayaw ko pa, kahit pa itinataboy ko siya. Alam ko minsan na ayos lang sa kanya pero batid ko din na nasasaktan siya sa ginagawa ko. Kasi kahit malaki na ako ngayon, gusto niya pa rin ipakita at iparamdam na anak niya ako at nanay ko siya. Kahit pa alam niyang kaya ko, gusto niya pa rin ipilit na siya na lang ang gumawa ng mga bagay-bagay para sa akin. Sa palagay ko gusto lang ipadama ni Mamu na mahal niya ako. Dahil nga naging bato ako, kadalasan hindi ko na naiisip na sinasaktan ko ang kalooban ng aking mahal na ina na ang tanging kagustuhan ay iparamdam sa anak ang kaligayan na minsanang pagsilbihan ang anak. Kasi nga bato ako.
Nung nakaraang taon, sinulat ko ito para sa kanya. Tumutulo ang luha ko habang isinusulat iyon. Dahil sa kasabay ng pagsulat noon ay mga tagni-tagning alalahanin ng mga kabutihan na ginawa at patuloy pang ginagawa ni Mamu. Mahirap isulat ang lahat-lahat ng mga ginawa niya para sa akin, sa aming magkakapatid. At kapag sumasagi sa isipan ko ang mga pagsuway ko sa mga utos at kagustuhan niya, nararamdaman ko ang tindi ng sakit na dulot ko sa kanyang kalooban.
Nung nakaraang linggo, may nabasa akong katulad ng isinulat ko. Nagawa ko i-share sa mga taong kilala ko lang sa pangalan ang isinulat ko para kay Mamu.
Sabi niya, "Great tribute to your mom, Ivan. She must have burst to tears when she read it. Thank you for sharing it."
Sabi ko naman, wala akong lakas ng loob para ipabasa ito sa kanya.
Sabi niya, "Ivan, if my daughter will give me a tribute like that it will just erase all the feelings of hurt and doubt as a good mother. It will confirm that I've done a good job afterall. So gather that courage and give it to her on Mother's Day. Enclose 3 pcs of hankies too and have a box of tissue for yourself."
Kung ipabasa ko man ito kay Mamu, malamang ako ang hahagulgol sa iyak.
Dumating man ang Araw para sa mga Ina sa isang buwan, alam kong hindi ko pa rin ito mapapabasa sa kanya.
Sana sa pagdating ng araw na iyon, kahit isang araw lang, mabigyan ko ng kasiyahan ang mahal kong Ina. Kahit isang araw lang.
Leche! Tumutulo na sipon ko ah. Hmp.
This article was also published here.
same lang pala tayo not so close to mother..independent minded din ako but i'm trying to change that since I know anytime she'll leave us
ReplyDeletenoticed we have the same source of template for our blog
why don't you customize this to add the pagebreak (read more) feature like what i did to mine
oist, titobi, andito ka pala ha!!! :p
ReplyDeleteivy, buti ka pa. ako, di ko ata kayang magsulat about my mother. i don't know. wiat, you gave me an idea. but i don't know where to start. i find it the hardest to write about people closest to me.
ei R.O.
ReplyDeletedito nga ako silent reader/lurker hehe
parehong mahilig sa travel e (pero di pa kami exchange links)...sa multiply at friendster lang yata link namin
ex links nga :)
[tutubi & RO! uy, dito pa kayo nagkita ha. hehehe.
ReplyDeletewell, mejo ok na kmi ng mom ko. sana tuloy-tuloy na, lalo pa ngayon at magkaka-apo na sila ni papa. hehehe.
RO> yung sinulat ko yan, sobrang depressed ako. kaya siguro naisulat ko yan.
tutubi> add na kita sa blogroll ko. di ko alam may blog ka pala. =)
check ko din yang pagebreak na sabi mo. wala pa gano time eh. =)