Pages

Thursday, September 4, 2003


Too Much Studying Makes You...

Mga Senyales na Sobra ka na sa Pag-aaral:

1) Ilang buwan ka ng hindi nakakapunta sa mall.

2) Wala kang pakialam kung bagay ang color ng top, pants and shoes mo pag pumapasok ka sa school.

3) Kumakanta ka ng "CTG kita miss miss pakipot...." ng walang dahilan... bigla na lang pumasok sa utak mo and you even invited your friends to sing with you.

4) Na-aappreciate mo ang gray skies tuwing umaga dahil malaki ang possibility na bumagyo at mawalan ng pasok.

5) Nagseselos na ang iyong friends dahil lagi mo na lang "ka-date" ang mga authors ng mga libro mo.

6) Pag-uwi mo sa bahay, chaka mo pa lang madidiscover na hindi ka pala nagsuklay ng buhok buong araw.

7) Meron ka ng 4 empty ORANGE stabilo sa drawer na nagamit mo for this sem (orange dahil naniniwala kang this color can make you smart and help you remember things easily) at maraming correction tapes na ubos na.

8) Halos di mo na nakaka-usap ang parents, bros and sis mo dahil lagi ka na lang nagkukulong sa kwarto pag maraming naaral.

9) Naka-smile ka kahit mag-isa ka lang dahil naiisip mong malapit ng matapos ang sem kahit na matagal pa talaga siya.

10) Hindi terno ang socks na nasuot mo sa school.

11) Napapabayaan mo na ang orgs mo.

12) Hindi mo madalas napapansin na di ka pa pala nakakain ng lunch or dinner.

13) Sobra ka na sa coffee. Pagkatapos pa ng exam, pumunta kayo sa isang coffeeshop ng friend mo at walang ginawa kundi tumawa lang buong hapon hanggang 9pm. Epekto yata ng sobrang coffee for the past few weeks just to make sure na GISING ang utak mo while reading your books.

14) Pwede ka ng magbenta ng mga white papers sa magbobote dyaryo dahil sangkatutak na ang mga "xerox" stuff mo sa drawer.

15) Lumalaki ang eyebags and dumadami ang pimples mo. Sarcastic na rin ang mga friends mo pag sinabi nilang, "blooming/ inspired ka yata ngayon." This only means na hindi ka talaga blooming/inspired... ang totoo, mukha kang expired. They just want you to feel good.

16) Ilang pencil na ang napuputol mo everytime hindi mo magets ang ilang bagay.

17) Bigla mong nagustuhan ang Meteor Garden. You consider it as an outlet... a good way to release the negative energy inside your tired body.

18) Your frequent ____expression: "Kulang ako sa oras" or pag naasar talaga, "PAKSHET, balance SHET."

19) Kahit super corny ang joke, tinatawanan mo pa rin ito para lang masabing happy person ka and "I'm not yet insane!"

20) Short ang temper mo. Dami kasing iniisip na bagay palagi.

Hindi ko ikakaila na minsan ay may ginawa ako ng tulad ng mga nabanggit sa itaas. Hehehe! Those were the days, 'ika nga.


No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!