Pages

Thursday, April 1, 2004


Since Friday Till Today...

March31 - Masaya kasi I arrived early sa office. Ubos na kasi sweldo ko dahil sa tardiness and it marked heavily on my performance appraisal. Kaya saya ko dahil hindi ako late. Secondly, I received something na pampalubag-loob. Walang kinalaman ang papi ko doon eh. Sowee.

March30 - HIndi ako nakapasok sa work dahil na-stranded ako dahil sa transport strike. Hay.

March29 - Official Welcome at Despedida Party para sa soon-to-be-former and soon-to-be new immediate superior ko. Kilala ko na yung magiging new boss ko kasi I worked with him 2 years ago pa, when I was still in-charge of environmental and supporting industries projects. That time, counterpart ko lang siya. Ngayon, boss ko na siya. Hahay.

Nagbigay kami ng kanya-kanyang speech. For the first time, hindi ako kinabahan. Parang normal na nakikipag-usap ako sa kanila.

Sa office na lang ginanap yung party. Mejo delayed nga nagsimula eh. Type ko papakin yung pizza from
Yellow Cab at saka yung barbeque. Tsalap.

Past 9 na rin kami natapos.


March27-28 - Tree-Planting Day sa Angat Dam. Ok lang siya pero mejo na-badtrip ako. Hindi na iba yon kasi madali talaga ako ma-badtrip. As much as I try talaga, hindi ko maiwasan ang hindi mainis sa bawat lakad.

Sobra lang talaga akong na-badtrip kasi may mga tao doon na puro satsat lang. Iba ang sinasabi sa pinangangalandakan na dapat gawin. Isa pang nakakainis eh yung makarinig ka ng sobrang mahalay na bagay. Hindi ko naman sinasabi na manang ako. Marunong din naman ako sumakay sa mga ganon pero sana naman, lagyan ng iba ng preno ang mga bibig nila. Sa totoo lang, ikinahihiya ko na maksama sa grupo niya.

Kung may pagbibigyan man ako ng magagandang salita, isa lang yon. Si
Sir Budz. Hanga ako sa galing at determination mo. Kahit ikaw lang, so what? Tuloy ka pa rin na simulan at tapusin ang ipinangako mong gawin. Bow ako sa iyo.

March26 - Bowling Tournament namin. Yehey. I won the Most Improved Player Award. Yuhoo. My prize? A Swatch watch *megrins*

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!