Pages

Tuesday, March 8, 2005

Mountain Ek-ek

Away sila ng away. Kanya-kanyang pagalingan sa mga sinasabi. Hmp. Akala mo naman kung sinong mga Pontio Pilato na magagaling. Blah. Blah.

Maganda ang magpalitan ng saloobin tungkol sa mga issue. Aaminin ko na may mga fresh ideas akong natututunan sa kanila. Mas maganda nga pag may alam ka kasi nauunawaan mo ang pinag-uusapan. Minsan nakapagbibigay ka rin ng sarili mong input. Pero nasisira lang ang usapan kapag may mga hinayupak na masyadong nagmamarunong ang hihirit. Puede naman i-present ang gustong sabihin sa magandang paraan pero ka-astigan ng kanyang karunungan ang gusto yata ipagyabang.

Sabagay, naisip ko rin na hindi naman talaga ganon kadali gawin ang dapat gawin. Kahit ba alam mo pa kung ano ang dapat, nandun pa rin iyung alinlangan na kaya mo bang simulan sa sarili mo kung ano ang nararapat. Minsan tuloy, naiisip ko kung talagang human nature na ang dumakdak at gatungan ang mga bagay na pinagtatalunan. Kapag nga nababasa ko ang mga iyon, humihirit ang utak ko na ang galing-galing mo naman magsalita pero bakit hindi mo kaya gawin kung ano sinasabi mo. Siguro, naisip niya din na mahirap simulan mag-isa at mahirap din ang maging isang ningas-kugon.

Sa totoo lang, bad shot sa akin ang grupo na iyon pero ayaw ko i-hold against them iyung inis ko kasi hindi naman sila lahat ang may mali. Masama ang mag-generalize though minsan it is really human mistake to commit such a crime. I even challenge myself na if the time comes that I will be free from my work obligations, baka sumali din ako sa kanila. But of course, second priority ko sila. Mas gusto ko salihan iyung isang group. Pero assess ko pa kasi baka mas maraming coniotik na miembro dun. Okay lang ang meron ganong klaseng tao sa grupo pero kung lahat sila ganon, malamang mahawa ako. Hehehe. Lumipas ang mahigit apat na taon ng buhay ko sa university na puro mga conio ang kasama. Okay naman sila kasama basta huwag araw-araw. Kumbaga, tolerable ang existence ko kasama sila sa aking mundo.

Oi, magbago na kayo. Hindi porke umaakyat kayo, astig na kayo. Hambalusin ko kayo dyan eh.

Ano kayo?? Guapo?? Wala lang, walang koneksyon. Gusto ko lang sabihin.

No comments:

Post a Comment




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!