Lech! Kung kailan naman ako nakapag-decide pumunta ng Bohol, naunsyami pa. Kanina kasi ipinaalam (informed) ko kay Mamu na punta nga ko this Friday night. Badtrip kasi ang dami na niya ka-eklatang sinabi. Kesyo maulan; kesyo walang kasama mga kapatid ko sa bahay. Ano ba naman yan?! Always na lang ba ako ang magbibigay? Always na lang ba ako ang iintindi? Hindi ko tuloy alam kung ang worry nya eh yung bagyo (alam kasi niya na ferry yung transpo namin to Bohol, plane na yung pauwi) na baka abutan ako. Feeling ko tuloy, ang habol niya eh yung responsibility na walang magbabantay sa mga kapatid ko (yung isa kasi hindi umuuwi kahit dapat umuwi at yung isa - babae kasi at may bf) at sa bahay (delikado kasing iwan ang bahay namin ng walang tao kapag gabi) namin.
Ako nalang ng ako. Eh bakit sila hindi? Hmp.
2 days ago, nag-isip na ako kung itutuloy ang Bohol kasi nawalan ako ng gana at may mga bagay akong inisip. Umabot sa point na ayaw ko na pumunta muna doon and instead kinonsider ko ang Ilocos. At nakakaloka pa kasi may nagpadala sa akin ng rates para sa trip sa Kota Kinabalu sa Malaysia. Alam ko na may taong gusto pumunta doon para akyatin ang Bundok KK. Ako naman ang habol ko ay ang magbakasyon kahit sa Asia man lang at hindi umakyat sa unang dayo ko sa Malaysia. Iyung kasama ko ok lang kahit hindi umakyat. Decided na sa utak ko iyon nung gabing pinag-isipan ko. Pero paggising ko kinabukasan, nagbago ulit isip ko. Hindi dahil ayaw ko na. Naisip ko lang na kawawa naman yung makakasama ko kasi ang laki ng magagastos niya. Nagiging masyado na akong maluho lately. Well, mas maluho pala. Nakakahiya naman.
Kahapon, na-finalize ko na ang date, itinerary namin. Sinabi ko kay Mamu pero inumpisahan na akong kontrahin. Sa inis ko, sinabi kong hindi na itutuloy. Siempre badtrip.
Kahit inis ako, ok lang. Hindi pa nga ko gaanong badtrip non. May pina-check si Mamu at sobrang worried. Sinabi ko na ganon talaga yon. Ay naku pinilit ang hindi naman talaga. Siempre umabot sa hindi magandang salitaan at pinalabas na naman niya kung gaano ako ka-sama (bad) na anak. Bakit ba ganito kami? Hindi niya ko kilala. Hindi niya ako naiintindihan.
Back to square one. Wala na namang pansinan. Ilang linggo na naman ito.
Ma-pride ako at hindi ako basta-basta nakikipagbati. Sometimes when she tries to be nice during our cold war, it makes me feel guilty, reminding me how wicked I am.
Da**!
New
Not The Same Wavelength, BadTrip
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment