Pages

Thursday, March 23, 2006

Nasa Aking Isipan...Oo, Madami Sila

Dear Me,

Maloloka na yata ako. Ang dami kong gusto. Ang dami kong gustong mangyari. Ang dami kong gustong gawin. Minsan tuloy gusto ko nang sabunutan ang sarili ko. Hmm. Okay, ako ang sasabunot, ayaw ko ng katulong at baka sabunutan nga ako ng todo. Chaka naman.

Lech. Goodness gracious. Whatever.

Sana yung mga pinanganak na Gemini ang zodiac sign eh talagang may literal twin. Magpapasalamat na ko nun kahit 2 lang kami, este ako. Pero mas okay din kung mahigit kami sa dalawa. Heaven yun.

I'm so excited and I just can't hide it..." Natatawa ako kapag tumugtog na itong linya na ito sa utak ko. Nai-imagine ko ang sarili ko na si Ai-Ai delas Alas na isang showgirl. Yeah, a funny showgirl. With all those frills and feathers. =)

Hyper talaga ko kapag excited. Sure, meron bang excited na hindi hper? O may naha-hyper bang hindi excited. Go, figure.



Puerto Galera
May balak kami ni papi ko mag-Boracay together. Hay naku. Dati, ako lang yata sa Pinas ang walang kainteres-interes tumuntong sa Bora. Every summer kasi, yan lang bukambibig ng mga tao. Eh ugali ko pa naman kapag ganon, may-I-care & do-I-care attitude. Sige, pumunta kayo lahat doon. Dito ko sa Baguio. Hmp. Kahit yayain pa ko, i-shoulder pa ang gastos, ayaw ko pa din. Para kasing kalahati ng Pinas eh nasa Bora. Ayaw ko ng madaming tao. Hmm. Contradicting. Gusto ng personality ko ang madaming tao...pero ayaw ko sa beach, lalo na at looking forward ako (na minsang lang mangyari...hindi kasi ako beach person eh). Gets?

As I said, I urged papi for a Bora summer together. Yesterday, I was bloghopping to unknown peoples' blog. Binasa ko itong Puerto Galera story ng isang bubuwit, este babae pala. Sobrang natuwa ako at feeling ko nandoon ako kasama nila. Saya saya nila. Eh gusto ko din maging masaya kaya email ako asap kay papi. "Wag na tayo mag-Bora. PG na lang tayo." Yahoo. Pumayag ang napaka-sweet at napaka-pasensyoso kong dyowa. =)

Siempre, kahit pumayag yun at saka unless ikaw ang mag-arrange para mag-materialize ang plano, hindi pa din surefire na matutuloy kami. Wala pa kaming napag-usapan na date kung kelan. Eh wala pa din akong maisip kelan kasi ilang buwan lang naman ang summer. May C_ _ _, Island Cove, HK or SG (plano namin ni opismeyt pero walang kasiguruhan pa dahil baka hindi na kaya ng ating baul ng atung). Siempre, on the side ay ang mga normal mong obligasyon at gastusin. So, ayun nga, wala pang siguradong schedule.

Tapos kaninang lunch (ulam ko pala Bicol Express. Ay, kasarap-sarap...), check ko yung mga taong nag-bloghop din sa blog ko. Etong si Alvin aka Manong mega-kwento ng kanyang PG experience. Sobra. Grabe. Umm. (I can imagine my officemate wanting to pull PBB's Bianca's hair). One more time (sabay kumpas ng kamay) ---- Sobra! Ayus. Hahaha.

Basta PG ako bago matapos ang summer. Alam ko may nagyaya dyan pero di ako makakasama kasi hindi ako puede sa confirmed sked nyo. Sige, sama nyo papi ko. =) Okies lang sa akech. Ewan ko lang kung sasama siya sa inyo. Hehehe. Maiinggit siya at wala siyang dyowang kasama; pair-pair pa naman kayo.

Anyway, prefer ko muna na kaming 2 lang mag-PG. I just want to enjoy spending my leisure time with papi. Besides, we've been very busy and we owe it to our selves.



5th Manila Bay Summer SeaSports Festival
Manila Bay? Anong naiisip mo pag sinabing Manila Bay? Siguro, pareho tayo ng kasagutan. Manila Bay = beautiful sunset.

Sa darating ng ika-25 at 26 na araw ng Marso, mangyayari ang ika-5 Seasports Festival sa Manila Bay. Actually, summer last year nang mapansin ko ito. Meron kasing napakalaking streamer sa Baywalk tungkol dito. Noong una, wa ko care kasi hindi ko maisip kung paano ka magsasagawa ng sports fest sa Manila Bay mismo. Hello?? Kung bad side ng Manila Bay ang tatanungin, siempre kahit sino sasabihing, "yuck, ang dumi ng tubig. Ang bantut pa." Oo nga, luminis ng konti ang tubig ng Manila Bay kumpara noong mga nakaraang panahon, pero madumi pa din. Minsan nga, nag-date kami dyan sa Baywalk ni papi kong huggable. Dinner kami sa Kafalua. Dumating yung order namin. Siempre, takam na takam akech. Pahigop na ako ng mainit-init na sabaw ng sinigang ng biglang..."ano yun? ang bantut? yeee..." Hay naku, sa pag-ihip ng hangin, sumabay ang masangsang na amoy ng dagat. Chuvaness. Buti na lang, nawala din. Jusmiyoooo.

Anyway, ang isipin ko talaga noon eh kung paano ka naman makakapag-hold ng sportsfest sa madumi at mabantut na tubig? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano. Pero, excited akong malaman. Siempre, inalam ko kung anong mga sports ang lalahukan ng mga sasali. Meron dragon boat racing (siguro eto yung dragon boat rowin din pero pang-karera? Mejo nagka-interes ako nung ikwento sa akin ng aking online friend sa PW na si Ruth na ang husband niya eh member ng rowing team. Nabanggit ko kasi sa kanya na gusto ko sanang mag-try mag-aral ng rowing. Frustrated eh. Tsaka. Hehehe. Paano ba naman, every Wednesday morning ay nakikita ko ang mga papa-ble at mga hunks from afar na rowers na nag-eensayo sa Manila Bay. Dumating ang time na I was wishing na sana kasali ako sa kanila, sa team nila. Hehehe. Hindi naman masama mangarap, di ba? =) Being a rower sounds cool, di ba?), sailing, beach volleyball and wall-climbing (heard it will be held at the fountain area at the park fronting Baywalk) and this so-called bancathon race.

Nyak! Nung sinusulat ko ito, ang akala ko makakapunta ko kahit isang araw lang. Thinking about it, hindi pala. Si papi kasi nagpapasama sa Tagaytay sa Sabado para ipasyal ang kanyang ama na darating from Cebu. Sa Linggo naman ay ise-celebrate namin ang birthday ng bunso kong kapatid sa bahay namin sa Cavite para makasama na din si Papa. Ay, hectic ng sked ng lowlah mo. Sayang, mami-miss ko makita ang dragon boat racing.

Pero siempre, family first. Hmm. Di ba may katunog yun? Family First! Oo nga. Meron pa naman akong pagkakataon. Malay natin, bigla ko na lang maisip dumirecho sa malapit sa Manila Bay Yacht Club at magtanong para sumali o kaya kahit ma-experience ang maging rower for one day. Ayon sa aking bubuwit (source), mga 10-30 pesos lang ang payment para lang malaman mo ang basic. Makasugod nga minsan. =)


To be continued...

2 comments:

  1. Ang haba ng entry mo :) hehe. Anyway, there are a lot of good places in the Philippines. Ako kasi, I normally pick the places where there wouldn't be so much tourists kasi I end up not having a vacation at all!

    boracay was great some 12 years ago.,, ngayon, it is not that special anymore if you ask me. (It is still beautiful though)

    ReplyDelete
  2. al bjornstad, maiksi pa nga yan eh. To be continued pa nga eh. Hehehe. :)

    I agree with you about lots of nice & beautiful places in the Philippines. I really love to travel. How I wish I can have a job that entails travelling at all times!

    My friend Jherry just dropped by a few minutes back & told me about their recent Boracay fun. As much as he had taken photos of the nice things in Bora, he was also able to take some shots of Bora's ugly side....hmm.

    ReplyDelete




It is always refreshing to know what is in your mind. Thanks!