LP 01: Puso

Mahal Kong Sarili,

Matagal na rin akong hindi nakakakuha ng larawan at naisip ko na siguro masayang karanasan ang lumahok sa
Litratong Pinoy. Matagal ko na ring ninanais na makigulo sa 'lingguhang palaro' (ayon na rin sa terminong ginamit nila) na ito.

Dear Me,

It had been a while since I've taken a photo and I thought that it would be a pleasant experience to participate in Litratong Pinoy. I had been wanting to join this weekly game.


At dahil sa ang tema ngayong linggo ay PUSO, hinagilap ko ang aming bahay para sa mga bagay na tungkol o hugis PUSO. Ang mga larawang nasa ibaba ay kakakuha ko kani-kanina lang.

And since the theme for this month is the HEART, I searched around the house for things that had something to do or shaped like HEARTS. The photos below were just taken a while back.

sulatan ng aking anak (sketcher)

Isa ito sa mga laruan pang-edukasyon ng aking mahigit isang taong gulang na anak na lalaking si Miguel. Pinapakain siya ng ama niya kanina nung kinuha ko ito para kunan ng litrato. Siguro nagtataka siya bakit ko iyon kinuha. Sinundan nya ako para ito kunin. Mainam at nakunan ko agad ng larawan. ;)

This is one of my more than a year old son Miguel's educational toy. His father was feeding him when I got it to take a photo. Miguel was probably wondering why I took his toy. He followed me so he could get it. It was good that I was able to photograph it.

mula sa Brownies Unlimited at McDo

Ang mga nasa larawan ay (1) ang matigas na papel na nakabalot sa kahon ng brownies at (2) ay isang 'magnet' na aming nakuha sa isang taong gulang na kaarawan ni Janelle, anak ni Jovee na aming dinaluhan nung nakaraang taon.

The photos are (1) a cardboard that slightly envelops a box of brownies and (2) a magnet that we got during Janelle's (Jovee's daughter) first year birthday, which we attended last year.

de-hugis na laruan

Isa pang laruan ni Miguel. Kaya siguro siya umiyak kasi akala niya inagawan ko siya ng laruan. Hahaha. :)

This is another toy of Miguel. My son probably cried because he thought that I was taking away his toy. Hahaha. :)

Love Story by Erich Segal

Isa itong aklat na babasahin namin sa FFP. :)

This is a book requirement for FFP. :)

Ito ang aking unang pagsali at sana ay magtuloy-tuloy ito. :)

This is my first participation and I hope I'll get on with it weekly. :)

5 comments:

  1. wow! first LP post love letter na agad...punong puno ng pagmamahal para sa LP. maligayang pagsali sa LP...hanggang sa susunod na Huwebes muli :)

    ReplyDelete
  2. daming puso :D ang kukyut pa. maligayang pagsali sa LP!

    ReplyDelete
  3. ang cute naman
    maligayang pagsdali sa LP

    mula sa puso eto aken lahok


    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  4. ROSELLE, timing nga yung pagsali ko. Nung nakita ko yung tema, karamihan na naisip ko eh yung mga laruan ng anak ko na may hugis puso. :)

    MARITES, salamat sa pagdalaw. Kita muli sa Huwebes.

    JAY, magandang araw din at salamat sa pagdalaw. Sa Huwebes muli. :)

    ReplyDelete
  5. wow! you started it with a Bang!! Ang dami entry at ang gaganda pa. Welcome sa LP. for sure mag e enjoy ka at hindi ka magsisisi sa pagsali. :)

    ReplyDelete


My Instagram